Minsan nga naman

Minsan napakasarap sa feeling na kasama mo ang taong mahal mo't magkausap kayo Pinaguusapan ang mga planong gusto niyong mangyari sa hinaharap. Mga planong gusto niyong mangyari.

" Pakasalan kita sa lahat ng simbahan! "

" Babe, saan mo gustong tumira? Ako, akos lang kahit sa'n. Basta kasama kita. "

" Gusto ko ng apat na anak, magiging maganda at gwapo sila paglaki nila. "

" Magta- trabaho ako araw-araw, para mabigyan kita ng kinabukasan. "

" Tatanda tayo ng magkasama at magkakaroon ng maraming apo. "

" Mamahalin pa din kita, kahit may puti na ang buhok mo. "


Nakakatuwang isipin na may taong andyan para sa'yo, na gustong makasama ka hanggang sa pagtanda niya. Napakasarap sa feeling na sabay niyong pinaglalaban ang isa't-isa at hindi sumusuko sa tuwing magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa kabila ng mga problema sa relasyon niyo. Kahit gaano pa'to kadami, magka-hawak ninyo itong hinaharap at walang bumibitaw. Siguro, isa na din 'to para matupad ang pinangako ninyong,

" I wanna grow old with you... "

You Might Also Like

0 comments

Write and say everything you want...

VISIT MY PAGE

VISIT MY PAGE
MISS IDEAL GIRL