It's all about him

Ansaya-saya ko ngayon..

Nakasama ko si crush eh, kasama ko
syang nag-celebrate with my Bunso.
Natatawa nga ako kasi lagi nya
akong niloloko, lagi nya akong inaasar
tapos yung mga di nya nagagawa nuon eh
malaya nya ng ginagawa ngayon kasi dati
nahihiya pa sya eh pero ngayon di na,
para na kaming natural sa isa't isa
alam mo yung Mutual Friends, parang
ganun na kami, eh para na nga kaming
mag-on eh kc we do things na nagagawa
lang ng mag on..

Ansarap ng pakiramdam kasi nakasama ko
sya eh, tpos sa tricycle pagpasok ko sa
loob inabot nya sakin yung paper bag nya,
tapos alam mo yung feeling na para na
kaming nagho-holding hands kasi hinawakan
nya tapos hinawakan ko din, Oh diba!
Tapos yung payong nya sakin nya pinagamit
tapos nakipag share sya dun sa isa naming
kasama si Syril, sila nag share pero asa
akin yung payong nya..

kaso ewan ko kung bakit sya nagalit nung
pagbaba eh, kasi hinablot nya yung paper
bag sa kamay ko tapos dali-daling lumabas
ng tricycle, kaya parang nalungkot din ako
kahit papaano kasi di ako sanay sa ganun eh..

:(

You Might Also Like

0 comments

Write and say everything you want...

VISIT MY PAGE

VISIT MY PAGE
MISS IDEAL GIRL